top of page

Arestado ang dalawang estudyante ng makunan ng awtoridad ng marijuana

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang mga aresto na sina alyas “Jo”, 19 taong gulang, binata, estudyante at residente ng 11th Street, Rosary Heights 5, Cotabato City.


Kasama nitong hinuli si alyas “Hamid”, 19 taong gulang, binata, estudyante at residente ng Poblacion 8, Cotabato City.


Ayon sa Police Station 2, nagpapatrolya ang mga barangay officials sa lugar nang makitang may pinick-up umano ang mga suspek.


Nang isagawa ang body search dito nakuha sa kanilang posesyon ang mga tuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana ayon sa awtoridad.


Tumitimbang ito ng mahigit kumulang limang gramo.


Hawak ng awtoridad ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page