AUTOMATED COUNTING MACHINE NATIONWIDE ROADSHOW NG COMELEC, IKINASA NA SA COTABATO CITY
- Diane Hora
- Dec 10, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinakita ng COMELEC sa mga opisyal, empleyado at residente ng lunsod ng Cotabato City kung paano gamitin ang Automated Counted Machine (ACM) sa paggulong ng Nationwide Roadshow at voter education ng komisyon.

Isinagawa ito sa Palasyo ng Masa, araw ng Lunes, December 9.

Layunin ng in-person demonstration na maging pamilya sa mga botanteng Pilipino ang ACM, kung paano ang wastong paggamit ng makabagong makina sa pagboto, at ng karapatan at responsibilidad ng bawat isa na bumoto.

Isa sa mga sumubok sa bagong machine si Poblacion 2 Chair Johaira Madag.

Maglilibot naman ang COMELEC sa tatlumpo’t pitong barangay sa lungsod para sa orientation at voter education.
Comments