top of page

BABAE NA NEGOSYANTE AT PUROK LEADER, BINARIL HABANG NAKATAYO SA KANYANG TINDAHAN SA TAMONTAKA, DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE

  • Teddy Borja
  • Dec 26, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Binaril habang nakatayo sa pag-aaring tindahan sa Barangay Tamontaka, Broce, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang 56-anyos na si Marissa Barroso.


Base sa imbestigasyon ng otoridad, nakasuot ng jacket ang suspek at bumaril sa biktima gamit ang caliber 45. Apat na tama ng bala ang tinamo ng biktima sa kanyang likod na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.


Agad umanong tumakas ang hindi pa kilalang salarin pagkatapos ng insidente.


Ayon sa otoridad, base sa impormasyon ng anak ng biktima, may naka alitan umano ang kanyang ina hinggil sa utang.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.

 
 
 

Commenti

Valutazione 0 stelle su 5.
Non ci sono ancora valutazioni

Aggiungi una valutazione

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page