Bagong covered court sa Broce Central Elementary School, magagamit na ng mga mag-aaral na proyekto mula sa tanggapan ni MP Baintan Ampatuan
- Diane Hora
- Feb 18
- 1 min read
iMINDSPH

Masaya ang mga puso ng mga mag-aaral at guro ng Broce Central Elementary School araw ng Biyernes, Valentine’s Day.

Magagamit na kasi ng eskwelahan ang kanilang bagong covered court.
Ito ay proyekto mula sa tanggapan ni Member of Parliament Baintan Ampatuan na mula sa
Transitional Development Impact Fund o TDIF ng mambabatas na nagkakahalaga ng
P4,217, 000.
Katuwang ng mambabatas ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education BARMM.
Taos puso ang pasasalamat ng Division Facilities Supervisor Acub Duloan sa proyekto na kaloob sa kanilang paaralan.
Comments