top of page

BANGSAMORO INDIGENOUS PEOPLE’S ACT, NILAGDAAN NA RIN NI CHIEF MINISTER AHOD EBRAHIM AT SPEAKER PANGALIAN BALINDONG

  • Diane Hora
  • Dec 11, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Nilagdaan na ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim at Bangsamoro Transition Authority Parliament Speaker Pangalian Balindong ang Bangsamoro Indigenous People’s Act at ang 2025 approved budget ng Bangsamoro Government.


Inaprubahan ng BTA Parliament sa 3rd and final reading ang dalawang panukala sa ginanap na special session ng BTA araw ng Martes.


Sa Bangsamoro Indigenous People’s Act, 63 ang bumuto ng Yes at walang abstentions. Isa anila itong makasaysayang tagumpay sa rehiyon sa patuloy ng peace process at sa pangakong inclusive governance.

Laman ng batas ang isang comprehensive legal framework na naglalayon na tugunan ang matagal ng mga hapon na kinakaharap ng IP sa BARMM.


Ninanais din ng batas na protektahan at i-empower ang iba’t ibang IP communities, kabilang na ang Téduray, Lambangian, Dulangan Manobo, Erumanun Ne Menuvu, Higaonon, B’laan, Badjao, Sama Dilaut, Jama Mapun, Sama Bangingi, Sama Pangutaran at iba pa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page