iMINDSPH

Ikinasa ang Search Warrant Operation alas 4:00 ng hapon, araw ng Miyerkules, February 19 na inisyu ng Presiding Judge of Branch 21, 10th Judicial Region, Kapatagan, Lanao Del Norte na may petsa na February 10, 2025.

Nasamsam sa pamamahay ng isang negosyante sa Purok Balabaran, Rosary Heights 10, Cotabato City ang isang Caliber .9mm improvised UZI automatic riffle, isang magazine assembly loaded ng limang bala, isang plastic .9mm magazine, dalawang pistol holder at isang magazine pouch.
Wala sa bahay ang negosyante nang isilbi ang Search Warrant.
Isusumite sa RFU-BAR ang mga narekober na ebidensiya para sa Ballistic Examination at proper disposition.
Comments