BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, ikinalungkot ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at MILF sa Sumisip, Basilan
- Diane Hora
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinalulungkot ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa Sumisip, Basilan na nataon sa isang linggong pagdiriwang ng 6th Foundation Day ng Bangsamoro.
Sa opisyal na pahayag ng opisyal, hinimok nito ang magkabilang panig na manatiling kalmado at magtulungan para tugunan ang pangyayari.
Pinakamainam din aniya na ang mga established mechanism tulad ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH at Ad Hoc Joint Action Group o AHJAG ang magsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.
Naging instrumento na aniya ang mga mekanismong nabanggit sa pagpapanatili ng kapayapaan at istabilidad, at pagtiyak ang accountability ng lahat ng panig.
Nanawagan ito sa lahat na maging alerto at iwasan ang mga pahayag na magpapalala pa sa tensyon.
Comments