BARMM, nagtala ng 1.27 million tourist arrivals sa taong 2024 at pumasok din ang 4.7 billion pesos investments sa rehiyon
- Diane Hora
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Inilatag sa Chief Minister’s Hour Report ang mga naabot na tagumpay ng BARMM Government sa taong 2024.
Kabilang dito ang naitalang tourist arrivals sa rehiyon na umano nasa 1.27 million.
Pumasok din sa rehiyon ang 4.7 billion pesos na investment noong nakaraang taon na nagbigay ng maraming trabaho sa mga mamamayang bangsamoro.
Laman din ng report ang pagbaba ng poverty rate sa rehiyon na umabot sa 23.5 percent taong 2023-
Mula sa 52.6 percent sa taong 2018, at 28.0 percent taong 2021 base sa datos ng Philippine Statistics Authority.
Pumalo din sa 7.5 percent ang economic growth rate ng BARMM sa taong 2021, na pumapangalawa sa buong bansa at ang pagpapanatili ng 4.3 percent growth rate sa taong 2023, sa gitna ng mga global challenges.
Kinilala rin ni Chief Minister Ibrahim ang agriculture at fisheries sectors bilang vital economic drivers, kung saan naging pang anim ang rehiyon sa rice production at 2nd naman sa corn production nationwide.
Sa ilalim ng Project Tabang, ang flagship program ng Bangsamoro Government umabot sa 247,434 individuals ang naserbisyuhan ng program sa iba’t ibang assistance.
Ngayong taon, P94.41 billion budget ang aprubado para sa BARMM government ngayong 2025, kung saan binibigyang prayoridad ang education, healthcare, at infrastructure.
Comentarios