iMINDSPH

Inalam ni Batangas City mayoral candidate Clemente Berberabe ang programang Libreng Hospitalisasyon, Libreng Edukasyon, at iba pang pro-people programs ng liderato ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Sa ibinahaging impormasyon ni Governor Tamayo sa kanyang facebook page, nakasaad na nais ng kumakanadidatong alkalde ng Batangas City na magkaroon ng kaparehong programa ang kanilang syudad.

Ang South Cotabato ay patuloy na nagiging modelo ng mahusay at makataong pamamahala—isang pruweba ayon sa pamahalaang panlalawigan na kapag ang gobyerno ay may malasakit, tunay na dedikasyon at may pagkakaisa ang mamamayan, walang imposible sa pagsulong ng mas magandang kinabukasan para sa lahat!

Comments