top of page

BENEFITS COMMITTEE, INIREKOMENDA SA EN BANC NG PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION PHILHEALTH NA MAISAMA SA HEALTH PACKAGE ANG SALAMIN SA MATA NG MGA BATANG MAY EDAD 5 HANGGANG 6

  • Diane Hora
  • Dec 6, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Dumarami na ang bilang ng mga batang Pilipino na may problema sa mata na nangangailangan ng agarang tulong ayon kay Dr. Albert Domingo, tagapagsalita ng DOH, ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Irerekomenda ng Benefits Committee sa En Banc ng Philippine Health Insurance Corporation PhilHealth na maisama sa health package ang salamin sa mata ng mga batang may edad 5 hanggang 6.


Dahil may kataasan ang gastos sa pagpapagawa ng salamin sa mata, naisip ng Benefits Committee ng PhilHealth na isama ito sa Health Benefits Package.


Bukod sa salamin sa mata, inaprubahan din ng komite ang pagsusuri at operasyon sa katarata ng mga pasyenteng bata ayon pa sa report.


Inendorso din ng komite ang mga panukala na taasan ang package rate para sa coronary artery bypass graft surgery, pagsasara ng ventricular septal defect, at VSD na may aortic stenosis, at kabuuang pagwawasto ng Tetralogy of Fallot.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page