top of page

BIGAS AT FOOD PACKS, IPINAMAHGI NG BARMM GOVERNMENT SA MGA BENEPISYARYO NG HOMES PROGRAM NG TANGGAPAN NI BARMM CHIEF MINISTER AHOD EBRAHIM SA PANDAG, MAGSUR

  • Diane Hora
  • Nov 25, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Limampung sako ng tig-25 kilos ng bigas, canned goods, noodles, powdered milk, asukal, at mantika sa mga benepisyaryo ng Orphanages, Markadz, Elderlies, and with Special Needs o HOMES Program sa ilalim ng Project TABANG.



Kasama ng BARMM government sa distribusyon ang mga opisyal mula sa Turkiye na pinangunahan si Turkish Ambassador to the Philippines, Niyazi Evren Akyol.



Isinagawa ito sa Barangay Kayaga, Pandag, Maguindanao del Sur, a-22 ng Nobyembre, kasabay ng pagbubukas ng Orphan Educational Complex ng IHH Humanitarian Relief Foundation sa lugar.



Nagkaroon rin ang BARMM Government ng distribusyon ng anim na raang sako ng tig-25 kilos ng bigas at food packs sa Barangay Sirawan, Davao City, Barangay Inayawan sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur, Barangay Madaum naman sa Tagum City, Davao del Norte, at sa Barangay Dahican, Mati City, Davao Oriental.



Isinagawa ang distribusyon araw ng Biyernes at Sabado, November 22 at 23, sa ilalim ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB Program, at ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies, and with Special needs o HOMES Program ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim, sa pamamagitan ng Project TABANG.



Ito ay bilang mandato ng Section 12, Article 6 of Republic Act No. 11054 o Bangsamoro Organic Law (BOL), na may layuning mapalakas ang economic, social at cultural development ng BARMM.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page