BIGAS AT FOOD PACKS, TINANGGAP NG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG TAWI-TAWI, GAYUNDIN NG MGA RESIDENTE NG LAMITAN CITY AT GEN. SALIPADA K. PENDATUN
- Diane Hora
- Dec 9, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ng walompong magsasaka at mangingisda ng Barangay Marang-Marang, Languyan, Tawi-Tawi ang tulong na bigas at food packs mula sa BARMM government sa ilalim ng Project TABANG ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.

Isinagawa ang distribusyon araw ng Linggo, December 8.

Bigas at food packs din ang tinanggap ng mga residente ng Lower Tablas, at Kalut, sa bayan ng Tuburan, at Barangay Ulitan, Barangay Lower Cabengbeng sa bayan ng Sumisip at Barangay Nawasa, sa Lamitan City noong December 7, 2024.

Samantala, walong daan ng tig-25 kilos na bigas at food packs ang tinanggap naman ng mga binahang residente ng General Salipada K. Pendatun at Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan.

Ito ay sa ilalim naman ng Alay sa Bangsamoro o ALAB Program.





Comments