top of page

BIGAS, CANNED GOODS, MANTIKA, ASUKAL, AT GATAS, IPINAMAHAGI NG PROJECT TABANG SA SGA, COTABATO CITY, AT DOS, MAGUINDANAO DEL NORTE

  • Diane Hora
  • Dec 3, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa patuloy na pamamahagi ng tulong ng Project TABANG-



Tinanggap ng mga volunteers at blood donors sa isinagawang Mobile Blood Donation Program sa Barangay Kitulaan, Carmen, Special Geographic Areas ang isang daang sako ng tig-25 kilos ng bigas.



Ang blood donation ay pinangunahan ng Ministry of Health BARMM, Cotabato Regional and Medical Center, araw ng Lunes, December 2, 2024.



Bahagi ito ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB Program ng tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim.



Nagtungo rin ang mga kawani ng programa sa Barangay Tanwel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kahapon at namahagi ng dalawang daang sako ng 25 kilos na bigas at dalawang daang food packs sa mga binahang residente sa lugar.



Pinangunahan ito ng Humanitarian Response and Services ng programa.



Dalawampu’t walong sako ng 25 kilos ng bigas din ang ipinamahagi ng programa sa apat na orphanage at markadz centers sa Cotabato City, araw ng Lunes.



Kasama ng bigas ang canned goods, noodles, powdered milk, asukal, at cooking oil.



Benepisyaryo nito ang Orphanage Ribat sa Bubong, Kalanganan 2, Markadz Al-Sheikh Abdulkadir Abdullah sa Rosary Heights 5, Markadz Al-Wihdah Al-Arabie sa Federville, Rosary Heights 11, at Markadz Maqaari Assayyed Ahmad sa Purok Pinin, Rosary Heights 6.



Ito ay sa ilalim ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies and with Special Needs o HOMES Program ng tanggapan ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page