top of page

Bigas, tinanggap ng mga magsasaka, vendors, estudyante, senior citizens, IPs at iba pa mula kay Mayor Lester Sinsuat at Vice Governor Bai Ainee Sinsuat sa masayang kamustahan at kwentuhan

iMINDSPH



Masayang kuwentuhan at kamustahan sa Barangay ang isanagawa araw ng Lunes, March 10, 2025. Ibinahagi ni Mayor Datu Lester Sinsuat ang kanyang mga karanasan at pinagdaanan bilang isang public servant simula ng ito ay pumasok sa larangan ng pulitika.



Ayon sa alkalde, ang kanyang karera sa pulitika ay hindi madali dahil hindi lamang puro pangarap at pangako sa taong-bayan ang kanyang ginawa kundi ito ay pinagsumikapan nyang tuparin at gawing reyalidad kasabay na dito ang mga pangarap at hiling ng kanyang mga kababayan sa Datu Odin Sinsuat.



Samantala, kasabay ng programa ay ang pamamahagi ng alkalde ng bigas kasama sina Vice Governor Bai Ainee Sinsuat at ng Team Solid DOS para sa lahat ng dumalong magsasaka, vendors, estudyante, senior citizens, IP's at iba pa.



Umabot naman ng humigit walong-daan ang naipamahaging bigas sa mga Barangay na kinabibilangan ng Barangay Bagoinged, Tenonggos, Sapalan, Dados, Kakar at Bongued.



Sa huli, sinabi ni Mayor Lester Sinsuat na ang diwa ng ating pag-aayuno ay hindi lamang pagtitiis sa gutom kundi ang pagsasanay sa disiplina, pagpapalakas ng ating pananampalataya, pagtulong sa kapwa at higit sa lahat ang pagpapalapit pa lalo sa Allah SWT.



Hiling nito na patuloy na maging liwanag sa buhay ng iba. Sama-sama tayong magbahagi ng pag-asa at pagmamahal.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page