top of page

Bilang ng naitalang krimen sa Cotabato City sa unang linggo ng Enero 2026, bumaba ayon sa CCPO kasabay ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa illegal drugs

  • Diane Hora
  • 5 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Batay sa tala ng Cotabato City Police Office, mula Enero 5 hanggang 8, 2026, isang index crime lamang ang naitala sa lungsod—malayo sa apat na index crimes na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.


Ayon sa pulisya, ang pagbaba ng krimen ay iniuugnay sa tuluy-tuloy na anti-illegal drugs operations, kabilang ang mga buy-bust operations, na itinuturing na may pinakamataas na accomplishment ng CCPO sa unang linggo ng taon.

“In relation to our first week of incidents, ang pinaka-tumaas na accomplishment ng CCPO ay ang illegal drugs, partikular ang mga buy-bust operations.”


Ipinaliwanag ni Evangelista na ang pinaigting na kampanya kontra illegal drugs ay naging mahalagang dahilan upang maiwasan ang mga seryoso at mapinsalang insidente sa lungsod sa pagsisimula ng taon.


“As of this first week of January 2026, mas mababa ang incidents ngayon kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.”


Nilinaw ng CCPO na ang index crimes ay kinabibilangan ng murder, rape, physical injuries, theft, robbery, at motorcycle vehicle carnapping mga krimeng mahigpit na binabantayan ng pulisya.


Hinikayat naman ng Cotabato City Police Office ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng maagap na pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad, lalo na kaugnay ng illegal drugs, upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page