top of page

Biyahe ng mga pampasaherong van sa mga terminal sa lungsod, apektado kasunod ng mga napaulat na pagdukot at umano’y isinasakay sa puting van

  • Teddy Borja
  • Jan 27
  • 1 min read

iMINDSPH


Naging matumal ang pasahero sa mga terminal ng van sa Cotabato City kasunod ng mga napaulat na pagdukot na umano ay isinasakay sa puting van


Aminado naman ang mga pasahero na sina Fara at Rigan Macao na natakot din sila sa mga nababasa at napapanood hinggil sa puting van.


Matatandaang pinasinungalingan ng LGU at otoridad sa Midsayap, Cotabato Province ang pagkalat ng balita na may dinukot sa bayan.


Habang isang residente naman ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur ang nagsabing, dinukot siya ng mga lalaki sa bayan ng Midsayap at sapilitang isinakay sa puting van


Bagamat patuloy ang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa kaso ni Ramon Buka ng Datu Salibo, patuloy ang panawagan ng pulisya na publiko na maging alerto sa lahat ng oras.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page