top of page

BLTFRB at BLTO, nagsagawa ng koordinasyon kasama ang bagong hepe ng RHPG-BARMM

  • Oct 22, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagaharap sa pulong ang mga opisyal Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang Bangsamoro Land Transportation Office kasama ang bagong talagang Chief ng Regional Highway Patrol Group–BARMM Police Lieutenant Colonel Brillantes.


Layunin ng pagpupulong na ito na higit pang pagtibayin ang koordinasyon sa road safety enforcement, pagmomonitor ng mga kolorum na sasakyan at pagpapalakas ng kampanya laban sa iligal na operasyon ng pampasaherong sasakyan.


Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ng mga kinatawan mula sa BLTFRB at BLTO ang mga kasalukuyang inisyatiba ng MOTC sa ilalim ng pamumuno ni Minister Termizie Masahud kabilang ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon sa pagbiyahe at paglalakbay sa mga pangunahing lansangan ng Bangsamoro region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page