Body Mass Index ng mga pulis, pinasisilip ni PNP Chief Nicolas Torre III; 2 beses na pagsasagawa ng Physical Fitness Test, inirerekomenda
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinasisilip ni PNP Chief Nicolas Torre III ang Body Mass Index ng mga pulis. Inirerekomenda rin ang dalawang beses na Physical Fitness Test.
Dapat maging physically fit ang mga pulis upang agad na makaresponde sakaling kailanganin. Ito ang ibinabang direktiba ni PNP Chief, PGen. Nicolas Torre III, base sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Kasunod nito, pinayuhan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito na mag-jogging o mag-ehersisyo na hangga’t maaga.
Aminado si Police Regional Office 3 Director at Concurrent PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo na malaking hamon ito para sa lahat ng Pulis dahil mismong si Gen. Torre ay nakaka-isandaang push ups at kilalang mahilig mag-jogging.
Alinsunod aniya sa batas, hindi dapat lumampas ng limang kilo ang timbang ng pulis sa kaniyang ideal weight o depende sa Body Mass Index (BMI) nito.
Kaya naman inirekomenda ng pamunuan ng PNP sa mga tauhan nito na dalawang beses sumailalim sa Physical Fitness Test (PFT) dahil dito nakasalalay ang kanilang promosyon ayon pa sa report.
Bagaman magkakaiba ang body structure ng bawat tao, sinabi ni Fajardo na magandang mapanatili pa rin ang maliit na tiyan ng mga pulis upang makita ng tao ang disiplinang kanilang sinusunod dagdag pa sa report.
Gayunman, nilinaw ni Fajardo na hindi kasama sa bagong direktibang ito ng PNP Chief ang mga pulis na may kapansanan o di kaya’y may seryosong medical condition.
Commenti