BAA 77, dapat nirekonsidera ng COMELEC ayon kay BTA Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura
- Diane Hora
- 25 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dapat ay nirekonsidera ng COMELEC ang redistricting law o ang Bangsamoro Autonomy Act 77 bago pa man nagdesisyon ang Komisyon na sundin ang BAA 50 ang kanilang ipatutupad, ayon kay Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura.
Gayunman, ginagalang ni Deputy Speaker Mastura ang desisyon ng COMELEC, na aniya’y tanggapan na mangangasiwa sa eleksyon.
Sa ngayon, puspusan na ang pangangampanya ng maraming partido at kandidato para sa BARMM Parliamentary election kung saan 73 seats lamang ang pagbobotohan sa halalan.
Comments