MOLE, pinalalakas pa ang kakayahan ng kanilang PESO managers at tauhan sa SGA sa isinagawang orientation at capacity development training
- 22 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Layunin ng aktibidad na ihanda ang mga PESO sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programa sa paggawa at empleyo sa antas lokal, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga praktikal na estratehiya at malinaw na gabay sa koordinasyon.
Isinagawa ang training mula Pebrero a-4 hanggang a-5 sa ilang bayan sa SGA.
Pinangunahan ni BEPW Director Sara Jane Sinsuat ang serye ng oryentasyon na dinaluhan ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan mula sa Old Kaabakan at Kapalawan noong Pebrero 4, kabilang ang mga PESO managers, municipal administrators, konsehal, department heads, miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kawani ng Office of the Mayor. Noong Pebrero 5, isinagawa rin ang kaparehong sesyon sa Kadayangan at Nabalawag.
Ayon sa MOLE, mahalagang hakbang ang pagsasanay upang mapalakas ang ugnayan ng mga stakeholder at matiyak na nakaangkla sa iisang direksyon ang mga inisyatiba para sa employment promotion at workers’ welfare.
Sa ilalim ng pamumuno ni Minister Muslimin Sema, isinusulong ng MOLE ang layunin nitong makamit ang disenteng, kompetitibo, produktibo, at sustenableng trabaho para sa mga Bangsamoro.
Sa pamamagitan ng pinalakas na PESO sa SGA, ayon sa MOLE BARMM, inaasahang mas magiging organisado at episyente ang paghahatid ng mga serbisyo sa trabaho—isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibong pag-unlad sa rehiyon.



Comments