Pormal na pagpapailaw ng Ramadhan at Tennun Pakaradjaan sa Basilan, pangungunahan ni Governor Mujiv Hataman
- 1 hour ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinailaw na ngayong gabi ang Ramadhan at Tennun Pakaradjaan 2026 sa Basilan Government Center.
Pinangunahan ito ni Gov. Mujiv Hataman, kasama sina Isabela City Mayor Dadah Turabin-Hataman at Board Member Amin Hataman.
Ayon sa provincial government, isa itong seremonya na simbolo ng nagkakaisang komunidad sa pagsalubong sa banal na buwan ng Ramadhan at sa cultural celebration ng Tennun Pakaradjaan sa lalawigan.
Ang switching-on ceremony ay hudyat umano ng opisyal na simula ng Ramadhan - panahon ng pag-aayuno, pagdarasal at disiplina - kasabay ng Tennun Pakaradjaan na pagdiriwang ng ating Yakan heritage at identity.



Comments