Ground breaking ceremony ng Tire Path at Concrete Road sa Rosary Height 9, Cotabato City, ginanap ngayong araw ng tanggapan ni BTA Deputy Speaker Atty. Omar Yasser Sema
- 35 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na isinagawa ngayong araw, February 16, 2026 ang ground breaking ceremony ng isasagawang Tire Path at Concrete Road sa Rosary Heights 9, Cotabato City.
Ang proyektong 85meters Tire Path at 260 meters concrete road na nagkakahalaga ng mahigit 4 million pesos ay mula Supplemental Budget 2025 ni Deputy Speaker Atty. Omar Yasser Sema katuwang ang Ministry of Public Works.
Bilang kinatawan ni Deputy Speaker Sema, naghayag ng pasasalamat si Rasul Bedtikan-LSO V, kay Chief Minister Abdulraof Macacua, Minister Guerra at lahat ng kawani ng MPW na naging daan upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Naghayag din ng taos pusong pasasalamat si kapitan Israel Datukaka para sa proyektong handog ng tanggapan ni MP Sema.
Ito na umano ang ikalawang proyektong natanggap ng baranggay mula sa mambabatas.



Comments