Brigada Eskwela 2025, opisyal na sinimulan ng MBHTE sa lalawigan ng Lanao del Sur I
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Opisyal na sinimulan ng MBHTE BARMM ang Brigada Eskwela ngayong taon sa Sanguiran Central Elementary School sa Schools Division ng Lanao del Sur 1.

Isinagawa ito araw ng Lunes, June 9 sa tema na “Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa”.

Pinangunahan ito ng Directorate General for Basic Education o DGBE.

Ang Brigada Eskwela ay isang nationwide school maintenance initiative at pagtutulungan ng mga magulang, guro, mag-aaral, alumni, civic organizations, at private sector partners para ihanda ang public schools sa pagbubukas ng klase.

Sa BARMM, isang linggo na isasagawa ang aktibidad sa lahat ng public schools mula June 9 hanggang June 13 alinsunod sa Department of Education (DepEd) Order No. 12, series of 2025.


Comments