Bus, na Sideswiped ang SUV sa loob ng Overland Terminal, Kidapawan City; Bus at SUV, Parehong Nagtamo ng Pinsala at Parehong Kinustodiya ng Otoridad
- Teddy Borja
- Jan 7
- 1 min read
iMINDSPH
Sapul sa CCTV ang banggaan ng bus at SUV sa terminal sa Kidapawan City alas 2:45 ng hapon, araw ng Lunes, January 6
Minamaneho ni Sabila Asab Noh ang Mindanao Star Bus. Si Noh ay residente ng Manaulanan, Pikit, Cotabato.
Minamanaho naman ni Juvy Jala Dico ang SUV. Residente ng New Bulatukan, Makilala, Cotabato si Dico.
Sa imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit, nagmamanuever na ang bus papasok ng bus bay nang aksidente nitong ma-sideswiped ang SUV.
Ligtas naman ang mga sakay ng bus at SUV pero parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan.
Parehong kinustodiya ng otoridad ang bus at SUV habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Comentários