Campaign tarpaulins ng Team Cotabato F1RST ng Lakas-Christian Muslim Democrats, pinunit at pinagbabaklas ng grupo ng mga lalaki sa iba’t ibang barangay sa Cotabato City
- Diane Hora
- Apr 21
- 1 min read
iMINDSPH

Pinunit at pinagbabaklas ng grupo ng mga lalaki na sakay ng motorsiklo ang
campaign tarpaulins ng Team Cotabato F1RST ng Lakas-Christian Muslim Democrats sa iba’t ibang barangay sa Cotabato City.
Ito ang ibinahaging video ng admin ng Butch Abu page sa facebook.
Idinulog na ng Team Cotabato F1RST sa otoridad ang kanilang natanggap na report.
Nanawagan naman ang grupo sa kanilang mga supporters na manatiling mahinahon.
Comentários