top of page

Capability Building Program para sa Institutional Assessment Tools (IATs) Development, matagumpay na isinagawa ng TESD Lanao del Sur Provincial Office

  • Diane Hora
  • Apr 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Matagumpay na naisagawa ng TESD Lanao del Sur Provincial Office ang Capability Building Program para sa Institutional Assessment Tools (IATs) Development.



Isinagawa ito a-17 ng Abril 2025 sa Brgy. Amito, Marantao, Marawi City.



Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga piling Technical-Vocational Education and Training (TVET) Trainers mula sa iba't ibang Tech-Voc Institutions (TVI) sa lalawigan.



Layunin ng programa na mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagbuo, pagsusuri, at pagpapatupad ng mga Institutional Assessment Tools alinsunod sa mga pamantayan ng MBHTE-TESD BARMM.



Tinalakay sa programa ang mga sumusunod na mahahalagang bahagi:


Overview ng Competency Assessment and Certification System

Standards and Guidelines in Developing Assessment Tools

Actual Workshop sa Pagbuo ng Institutional Assessment Tools

Presentation at Critiquing sa mga IAT Outputs ng mga kalahok



Pinangunahan ang pagsasanay ng mga eksperto mula sa MBHTE-TESD Lanao del Sur, katuwang ang TESD-certified trainers na may malawak na karanasan sa assessment development. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng quality assurance at alignment ng mga IATs sa Training Regulations (TRs) ng bawat qualification.


Ang ganitong programa ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng MBHTE-TESD upang matiyak na walang Bangsamoro learner ang maiiwan sa pag-abot ng de-kalidad na kasanayan at sertipikasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page