iMINDSPH

Tinanggap ng mga moske at markaz na napiling benepisyaryo ng tanggapan ni MP Ishak Mastura, ang ceiling fan at solar lights.

Bahagi ito ng Ramadan drive at pakikiisa ng tangggapan ng mambabatas sa Women’s Month Celebration na may team na “Babae sa lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”.

Namahagi naman ng free iftar meals ang mga kawani ng lawmaker sa mga babaeng bilanggo sa Cotabato City Jail Female Dormitory.

Ang hakbang na ito ayon sa tanggapan ng legislator ay nagpapatibay ng values ng compassion at solidarity ngayong banal na buwan ng Ramadan.



Comments