COMELEC, PNP, AFP, PCG, MILG, MBHTE, nagharap sa 3rd Regional Joint Security and Control Center Meeting para sa May 2025 National and Local Elections
- Diane Hora
- Feb 12
- 1 min read
iMINDSPH

Nagharap muli sa ikatlong pulong ang mga miyembro ng Regional Joint Security and Control Center at inilatag ang mga paghahanda para sa May 2025 National and Local Elections.

Pinangunahan ito ni COMELEC BARMM Regional Election Director, Atty. Ray Sumalipao, PNP BAR Regional Director Romeo Macapaz, MILG Minister Sha Elijah Dumama-Alba at mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Department of Education at iba pang stakeholders para tiyakin ang isang maayos, patas, at mapayapang halalan sa rehiyon.

Kasabay ng paglalatag ng preparasyon sa eleksyon ay ang paghayag ng mga hamon na kinakaharap at proposed resolutions upang mapahusay pa ang paghahanda para sa nalalapit na halalan.

Ang pulong ay isinagawa araw ng Martes, a-11 ng Pebrero 2025 sa Cotabato City.
Comments