Committee on Basic, Higher and Technical Education chair, MP Tomanda Antok, positibong maipapasa ang Bangsamoro Decorum Act bago magtapos ang transition period
- Diane Hora
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinatigan ng halos lahat ng dumalo sa public hearing ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education ang Parliament Bill No. 175 o Bangsamoro Hymn Decorum Act.
Ito ang panukalang batas na naglalayon na isulong ang consistent at wastong asal tuwing tinutugtog o inaawit ang Bangsamoro Hymn.
Nakasaad sa panukalang batas ang mga dapat gawin tuwing inaawit o tinutugtog ang Bangsamoro Hymn, tulad ng pagtayo ng matuwid, humarap sa watawat o kung saan nagmula ang tugtog at ilagay ang kanang kamay sa dibdib.
Positibo naman ang mambabatas na maipapasa ito sa BTA Parliament bago magtapos ang transition period sa Oktubre.
Ang Parliament Bill No. 175 ay iniakda nina Members of Parliament Mohagher Iqbal, Sha Elijah Dumama-Alba, Suharto Esmael, at former MP Aida Silongan.
Inaasahan namang isusumite ang panukala para sa plenary deliberation kasunod ng konsultasyon.
Comments