top of page

Committee on Rules at Committee on Labor and Employment ng BTA Parliament, aprubado ang isang panukalang batas na magbibigay ng leave incentives sa public at private sector employee sa BARMM

  • Diane Hora
  • Feb 13
  • 1 min read

iMINDSPH


Pinag-isa na ng Committee on Rules at Labor and Employment Committee ng BTA Parliament ang Bangsamoro Bereavement Leave Act o Parliament Bill No. 270 at Bangsamoro Bereavement Leave Act of 2024 o Parliament Bill No. 281.



Ito ang napagkasunduan ng dalawang komite kung saan primary draft para sa dagdag na deliberation ang PB No. 270.



Sa ilalim nang inamyendahan na proposed measure, mabibigyan ng pitong araw na bereavement leave ang isang empleyado ng BARMM sakaling may immediate family member ito na sumakabilang buhay.



Tinukoy na immediate family member sa panukalang batas ang legitimate spouses, parents-in-law, biological at adoptive parents o legal guardians, children o legal wards, at full-blood siblings.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page