Common Poster Areas sa bayan ng Pikit at Carmen, inilabas na ng COMELEC, lugar na maaring pagpaskilan ng mga campaign posters ay halos nasa tapat ng barangay hall at purok centers
- Diane Hora
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH
Inilabas na ng COMELEC ang listahan ng mga Common Poster Areas sa bayan ng Carmen at Pikit, Cotabato Province para sa 2025 National, Local Elections at BARMM Parliament Elections.
Halos lahat ng maaring pagpaskilan ng mga campaign posters ay nasa tapat ng barangay hall at purok centers.
Sa bayan ng Pikit, Cotabato Province-
May listahan na ng designated common poster areas na inilabas ang komisyon sa dalawampung barangay ng bayan na kinabibilangan ng
Balabak, Balatican, Bulod, Calawag, Dalingaoen, Damalasak, Ginatilan, Inug-ug, Kalacacan, Katilacan, Kolambog, Landtingan, Langayen, Paidu Pulangi, Poblacion, Punol, Silik, Takepan, Talitay at Tiutulan…
Ay halos nasa tapat ng barangay hall at purok centers ang common poster areas as of January 17, 2025.
Sa Carmen, Cotabato
Ang mga barangay hall ng barangay Poblacion, Aroman, Bentangan, Cadiis, General Luna, Katanayanan, Kibenes, Kibugtongan, Kilala, Kimadzil, Lanoon, Liliongan, Ugalingan, Macabenban, Malapag, Manili, Palanggalan, Ranzo, Tacupan at Tambad may mayroon na ring designated common poster areas.
Karamihan ay sa tapat ng barangay hall, tapat ng basketball court, at tapat ng municipal plaza.
Ang mga ligal na campaign material ay maaaring i-post, i-display o i-exhibit sa Common Poster Areas sa panahon ng pangangampanya kaugnay ng May 12, 2025 National and Local Elections at BARMM Parliamentary Elections.
Ito ay mula February 11 hanggang May 10, 2025 para sa mga kandidato ng Senador at party-list groups at mula March 28 hanggang May 10, 2025 naman para sa mga kandidato ng Miyembro ng House of Representatives, parliamentary, provincial, city at municipal officials.


Comments