Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at 4 pang opisyal ng city hall, sinampahan ng complaint sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa plunder, malversation at falsification of public documents
- Diane Hora
- Jan 22
- 2 min read
iMINDSPH
Isinampa sa tanggapan ng Ombudsman ang complaint hinggil sa plunder, malversation at falsification of public documents sa Ombudsman laban kay ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ซ๐ฎ๐๐ ๐๐๐ญ๐๐๐๐ฅ๐๐จ, ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐๐ ๐๐ซ., ๐๐ง๐ ๐๐๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐ง๐ญ ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐๐๐๐ฒ ๐๐ง๐ญ๐, ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐๐ซ ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐, ๐๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐, ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐ข๐๐๐ซ ๐ง๐ ๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐๐๐, ๐๐ญ ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐ ๐ ๐ข๐๐ฌ๐ญ๐, ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐จ๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ญ๐จ๐ซ ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ฒ.
Sa nakuhang dokumento ng iMINDS Philippines-
Ang reklamo ay isinampa nina Cotabato City Councilors of the Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao (BARMM) Marouf A. Pasawiran, Abdulrakim O. Usman, Hunyn C. Abu, Kusin S. Taha, Henjie M. Ali, and Datu Noriel A. Pasawiran; at Mohamad L. Abubakar, Tato G. Esmail, Al-Jehad A. Tantungm, and Zhoher N. Anggar, mga residente ng lungsod.
Nanawagan ang mga naghain ng reklamo kaugnay sa P89.41- million kasong plunder laban sa alkalde at sa 4 na iba pang matataas na opisyal ng City Hall na madaliin ang pag- iimbestiga upang maliwanagan umano ang mga botante sa darating na lokal na halalan sa Mayo.
Nahaharap sa paglabag sa Republic Act 7080, or anti-plunder law, si Mayor Matabalao sa isang reklamo na nakabimbin sa Tanggapan ng Ombudsman mula Agosto 30, 2024.
Ang mga respondent ay inakusahan din ng paglabag sa Revised Penal Code dahil sa malversation sa ilalim ng Article 217, at falsification of public documents sa ilalim naman ng Article 171.
Sinabing nag-ugat ang kaso sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng P81.421 milyong pondo para sa mga inaprubahang proyekto ng City Council sa ilang bahagi ng pautang na natanggap mula sa Development Bank of the Philippines na inaming natanggap umano ng alkalde mula ng manungkulan ito noong 2022.
Nakasaad din sa nakuhang dokumento ng newsteam ang sinasabing Statement of Indebtedness declaration for 2022 at 2023 ng alkalde sa Cotabato City Council, na nakabayad na ng P52,599,083.32 sa principal na utang sa DBP mula sa inilabas na pondo ng lungsod na nagkakahalaga ng P118,534,198.69 million.
Sinabi din na Idineklara umano ni Mayor Matabalao na savings ang natirang halaga at gamitin ito sa iba pang proyekto ng lokal na pamahalaan, na sinang- ayunan naman ng konseho.
Subalit base sa DBP statement, P29,118,716.69 lamang ang naibayad, kaya may nawawala ang P89,415,481.
Binanggit din ng mga naghain ng reklamo ang malaking pagbabago sa pamumuhay ng alkalde at kanyang mga kamag-anak, kasama na ang pagpagawa ng mamahaling bahay at pagsuot ng mga mamahaling personal items.
Sa dokumento, hiniling ng mga nagreklamo na agarang suspindihin ang alkalde at si Glimada kung mapapatunayan ang mga bintang upang maiwasan ang pagkawala o pagkasira ng mga ebidensiya laban sa mga ito.



Comments