COUNTRY DIRECTOR NG UNITED STATES INSTITUTE OF PEACE, BUMISITA SA PNP PRO BAR; USAPIN HINGGIL SA BARMM AT HALALAN SA SUSUNOD NA TAON, TINALAKAY
- Teddy Borja
- Dec 5, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Nagpulong ang mga opisyal ng PNP PRO BAR at ang Country Director of the United States Institute of Peace na si Dr. Haroro Ingram sa pagbisita ng huli sa Camp General Salipada K. Pendatun sa bayan ng Parang, Maguinadnao del Norte ngayong araw.

Tinalakay sa pagbisita ng opisyal ang mga usapin hinggil pagtataguyod ng mapayapa at maayos na pagsasagawa ng halalan sa rehiyon.

Humarap sa opisyal si Police Col. Julius Cecil Ordonio ang OIC Deputy Regional Director for Administration ng PNP PRO BAR.

Ang kolaborasyon na ito sa PNP PRO BAR ay mahalagang hakbang tungo sa pagtiyak na ang nalalapit na eleksyon ay sumasalamin sa kagustuhan ng mga mamamayan habang ipinatutupad ang maayos na peace and order sa BARMM.


Comentários