top of page

DAAN-DAANG RESIDENTE NG PAHAMUDDIN AT OLD KAABAKAN, SGA BENEPISYARYO SA ISINAGAWANG MEDICAL MISSION NG PROJECT TABANG AT MOH

  • Diane Hora
  • Dec 27, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Dalawang daan at labing dalawang indibidwal ang tumanggap ng libreng gamot at basic healthcare kits mula sa Project TABANG at Ministry of Health sa isinagawang medical mission sa Barangay Libungan-Toreta, Pahamuddin, SGA a-24 ng Disyembre.



Dalawang daan tatlumpo’t apat na residente naman ang benepisyaryo din ng programa sa Barangay Kadingilan a-25 ng Disyembre.



Habang dalawang daan at apatnapu’t isang indibidwal naman ang benepisyaryo din sa Barangay Nangaan, Old Kaabakan a-26 ng Disyembre.



Pinangunahan ng Project TABANG sa pamamagitan ng Access to Health Opportunities, and Development o AHOD ang isinagawang medical mission katuwang ang MOH BARMM.



Sa Barangay Nangaan, Old Kaabakan, kasama din sa medical mission ang 8th Avenue Group Foundation Community Service, Glang Eye Clinic, at iba pang private medical practitioners, at volunteers.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page