DAAN-DAANG RESIDENTE NG PANDAG, MAGSUR, SUMAILALIM SA LIBRENG MEDICAL CONSULTATION, TOOTH EXTRACTION, CIRCUMCISION, FEEDING PROGRAM AT TUMANGGAP NG READING EYEGLASSES AT TSINELAS
- Diane Hora
- Dec 19, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

470 na mga residente ng Pandag ang nakapag pacheck-up ng libre sa patuloy na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng provincial government ng Maguindanao del Sur.

Apatnapu’t limang residente ang nakapagpabunot ng ngipin, limampu’t lima ang nakapagpatuli ng libre, isang daan at apatnapu’t lima ang nabigyan ng libreng reading eyeglasses, limang daan ang benepisyaryo ng feeding program at dalawang daang residente ang nabigyang ng tsinelas.

Hatid ng Maguindanao del Sur Medical Team ang mga serbisyong ito sa bawat bayan sa lalawigan na isa sa mga programang itinataguyod ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa buong probinsya.

Asahan ang pagdating ng Maguindanao del Sur Medical Team sa marami pang barangay sa iba’t ibang bayan sa MagSur.






Comments