Daan-daang residente ng Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguidanao del Sur, benepisyaryo sa patuloy na SOLIDO DOS Medical Outreach Program
- Diane Hora
- Jan 30
- 2 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Mayor Datu Lester Sinsuat ang programa sa Barangay SEMBA araw ng Huwebes, January 29, 2025.

Pinuri naman ni Brgy. Semba Chairwoman Bai Majah Sinsuat ang aniya ay hindi matawarang serbisyo na ibinibigay ng LGU sa Barangay Semba at sa iba pang barangay ng Datu Odin Sinsuat.

Ilan sa mga serbisyong nakapaloob sa programa ay ang GINHAWA PROGRAM.

Isa itong Livelihood Assistance na nagbibigay ng panimulang pagkakakitaan tulad ng mga Sari-sari Store starter kit at mga inahing Kambing.

Sa TULONG MEDIKAL "Mayor Lester Clinic on Wheels" naman ay ang tulong pangkalusugan na handog ay libreng Check up at Gamot.

Ang PABISIKLETA NI YORME ay isang Munting regalo ng alkalde para sa mga bata sa tuwing idinadaos ang Medical Outreach Program.
Hatid din ng program ang FOOD ASSISTANCE o ang Pamamahagi ng FOOD PACKS tulad ng Rice, Groceries at Vegetable seeds para sa mga Senior Citizens, Solo Parent, PWDs, Vendors, Habal-habal drivers at iba pa.
At mayroon ding FEEDING PROGRAM kung saan inihahanda ang Nutritious meal para sa mga bata kasabay ng pamamahagi ng Tsinelas
Samantala, nagkaroon din ng orentasyon ang MSWO-DOS patungkol sa VAWC o Violence Against Women and their Children's Act.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga residente ng Brgy. SEMBA na maka-avail muli ng FREE Application ng Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.
Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isang flagship program ng Lokal na Pamahalaan na syang inisyatibo ni Mayor Datu Lester Sinsuat na may layuning mailapit ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Datu Odin Sinsuat.
Matagumpay na naisakatuparan ang programa sa pakikipagtulungan ng TIYAKAP DLS Foundation ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat, ALAGANG DOS Foundation ni Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat, BLGU-SEMBA sa pamumuno ni Chairwoman Bai Majah Sinsuat, RHU-DOS Barangay Health Workers(BHW) at Barangay Nutrition Scholar(BNS).
Comments