Daan sa Sitio Tambanan, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, magiging sementado na kasunod ng groundbreaking ng proyekto
- Diane Hora
- Feb 12
- 1 min read
iMINDSPH

Magiging sementado ang daan sa Sitio Tambanan, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Ito ay matapos isagawa sa lugar ang groundbreaking ng road concreting project.

Pinangunahan ni Mayor Datu Lester Sinsuat ang Groundbreaking Ceremony ng 24-RIMNRD280: CONCRETING OF ROAD sa Sitio Tambanan, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del NORTE, araw ng Martes, February 11, 2025.
Kasama ng alkalde si Brgy. Awang Chairwoman Bai Sharifa Bandila-Sinsuat.
Ang proyekto na pinasumikapan ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay ilan lamang sa mga pangmatagalang proyekto ng kanyang administrasyon.
Commenti