Dalawang palapag na gusali na may apat na silid aralan, itatayo ng MBHTE sa Kadayangan, SGA
- Diane Hora
- Jan 29
- 1 min read
iMINDSPH

Sisimulan na ang konstruksyon ng two-storey with four classroom Public Madrasah sa Kapinpilan, Kadayangan, Special Geographic Area.

Ang proyekto ay nagkakahalga ng Php 9,771,900.00, na popondohan sa ilalim ng GAAB 2024.
Layunin ng bagong Public Madrasah na makapagbigay ng mas maayos, at mas accessible na lugar para sa Islamic education, para itaguyod ang academic at spiritual growth ng Bangsamoro learners sa SGA.
Comments