iMINDSPH

Muling haharap si dating pangulong Rodrigo Duterte sa Actual Confirmation of Charges Hearing sa International Criminal Court sa September 23, 2025.
Ang pagtatakda ng petsa ay isinapubliko ng ICC matapos ang pagharap ng former president
sa pre-trial chamber ng International Criminal Court sa kauna unahang pagkakataon, alas 2 ng hapon central European time o alas-9:00 ng gabi sa Pilipinas.
Sinaksihan ni Vice President Sara Duterte ang pagdinig, kasama si dating spokesperson Atty. Harry Roque at Senator Robin Padilla.
Nagtipon naman sa labas ng ICC ang mga supporters at anti-Duterte.
Comments