iMINDSPH

Alas 4:56 ng hapon sa The Hague, Netherlands, 11:56 ng gabi sa Pilipinas, lumapag ang chartered flight RP-C5219 lulan si dating Pangulong Duterte sa Rotterdam Airport.

Itinurn over ito ng Philippine Law Enforcement Authorities sa mga opisyal ng Judicial Cooperation Unit ng Office of Registry ng ICC.

Makalipas ang dalawang oras simula nang paglabag ng eroplano, dalawang tinted vehicles na pinaniniwalaang sakay ang former president ang dumating sa ICC Detention Centre kung saan naghintay ang mga supporters nito.
Ayon sa report, isang ambulansya ang naghintay sa pagdating ni Duterte bilang bahagi ng protocol.
Sa labas ng pasilidad, patuloy ang sigaw ng mga tagasuporta nito sa kanyang pangalan at sumisigaw na ibalik ito sa bansa.
Sa detention unit may access ang mga detainees sa pasilidad para sa recreation, sports at arts & crafts. Mayroon din prebelihiyo tulad ng conjugal visits.
Comments