iMINDSPH

Ang pagtiyak na ligtas ang lugar na pinagtatrabahuhan at maging resilience ang mga manggagawa, gayundin ang sapat na kaalaman sa pamamahala sakaling magkaroon ng kalamidad at potensiyal na panganib-

Ang layunin sa isinagawang disaster readiness training na inorganisa ng MOLE Emergency Disaster Control Program.

Isinagawa ito a-18 ng Pebrero sa Kabacan, Cotabato Province.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng MOLE-SGAFO team. Kalahok sa pagsasanay ang mga representante mula sa Disaster Risk Reduction Management Teams ng Old Kaabakan, Kapalawan at Malidegao.
Sentro ng training ang practical demonstration ng mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Kabacan hinggil sa first aid response, fire suppression techniques, at earthquake preparedness measures.
Sumailalim din sa actual earthquake at fire drills ang mga partisipante.
Kommentare