top of page

Diskusyon hinggil sa second at third chapters ng proposed Bangsamoro Gender and Development Code o BGAD, tinapos na ng Women, Youth, Children, and Persons with Disabilities Committee ng BTA Parliament

  • Diane Hora
  • Feb 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Nagtapos na Women, Youth, Children, and Persons with Disabilities Committee ng BTA Parliament ang diskusyon sa second at third chapters ng proposed Bangsamoro Gender and Development Code o BGAD.



Ang Parliament Bill No. 336, ay naglalayong mapaunlad ang gender equality and development sa rehiyon. Kabilang dito ang proteksyon mula sa gender-based violence at pagtiyak ng equal access sa education, health, at employment opportunities.



Nilalaman ng Chapters II at III ng PB No. 336 ang mga probisyon na naglalayong pangalagaan ang kapakanan at tiyakin ang proteksyon mula sa mga kaso ng discrimination, violence, abuse, at exploitation.



Binigyang diin ng mga miyembro ng komite sa isinagawang diskusyon ang kinakailangan na masusing paghimay sa paninindigan ng panukalang batas hinggil sa early child marriages.


Iminumungkahi din ng panukala ang mapaunlad ang workplace conditions, tulad ng pagkakaroon ng separate restrooms para sa lalaki at babae, lactation stations, homecare centers, at prayer rooms sa mga public at private establishments.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page