DOS MEDICAL OUTREACH PROGRAM
- Diane Hora
- Nov 21, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa muli ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang Medical Outreach Program para sa mga residenteng kapos, mga Senior Citizens, PWD's, Solo Parent, buntis at mga bata ng barangay Capiton, araw ng Martes, ika-labing siyam ng Nobyembre.

Nabigyan ng libreng Check-up at gamot ang mga residente na may iniindang karamdaman, sa pamamagitan ng Clinic on Wheels ng alkalde.

Muli namang namahagi ang LGU-DOS ng bisekleta, pangkabuhayan showcase o sari-sari store kit, at mga kambing.

Bukod pa rito, namahagi rin ito ng mga
● FOOD PACKS (Rice with Groceries)
● EDUCATIONAL KIT
● VEGETABLE SEEDS
● FEEDING Program, SLIPPERS, LOOT BAGS para sa mga bata
● FIRST AID KIT
● HYGIENE KIT para sa mga Senior Citizens, PWD's at Solo Parent
● at DIGNITY KIT para sa mga Kabataan
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga residente ng lugar na maka-avail muli ng
● FREE Application of Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.
Namigay rin ng reading glasses, pagkain at laruan para sa mga bata, ang TIYAKAP Dedikasyon Lakas Serbisyo Foundation sa ilalim ng pamumuno ni Maguindanao Vice Governor Elect Bai Ainee Sinsuat.
Ang Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Lester Sinsuat ay naging posible sa pakikipagtulungan ng TIYAKAP DLS FOUNDATION sa pamumuno ni TIYAKAP DLS Foundation President Bai Ainee Sinsuat, BARANGAY NUTRITION SCHOLAR, at BLGU-CAPITON.
Comments