top of page

Driver at Pahinante, Patay Matapos Mahulog sa Bangin ang Isang L-300 Van at Freezer Van, ala 6:15 Kagabi sa Palacapao, Quezon, Bukidnon

  • Teddy Borja
  • Jan 7
  • 1 min read

iMINDSPH



Dalawa ang nasawi nang mahulog sa bangin ang isang L300 van at Freezer van sa Overview, Palacapao, Quezon, Bukidnon, ala 6:15 kagabi.



Minamaneho ng 52-anyos na driver mula Marawi City ang L-300 van, sakay ang 23-anyos na pahinante.


Minamaneho naman ng 45-anyos na driver ang freezer van na residente ng Digos, Davao del Sur. Sakay nito ang dalawang pahinante. Puno ng frozen dressed chicken ang freezer van.


Ayon sa imbestigasyon ng Bukidnon Provincial Police Office, parehong binabaybay ng dalawang sasakyan ang pababang bahagi ng Quezon, Bukidnon nang mag-malfunctioned umano ang freezer van at nabangga nito ang L-300.


Parehong nahulog sa bangin ang dalawang sasakyan.


Ayon sa otoridad, dineklara na Dead on Arrival sa ospital ang driver ng L-300 at ang isang pahinante ng freezer van.


Nagtamo naman ng minor injury ang driver ng freezer van na nasa kustodiya ngayon ng Quezon Municipal Police Station para sa proper disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page