Drug den sa Lamitan City, Basilan, giniba ng PDEA BARMM at inaresto ang 3 indibidwal sa buy-bust operation
- Teddy Borja
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang 49 anyos na si alyas “Ricky” na isa umanong drug den operator, isang alyas “Jong” at isang alyas “Micco” sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Veterans, Barangay Maganda, Lamitan City, a-8 ng Abril.

Nakumpiska sa operasyon ang labing apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na tumitimbang ng 6 na gramo laman ang pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱40,800.00.

Nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, at isang cellphone.
Giniba rin ng PDEA BARMM ang isang drug den sa lugar sa kasagsagan ng operasyon.
Katuwang ng PDEA sa operasyon ang Lamitan City Police Station, 18th Infantry Battalion Philippine Army, 1st Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 14-Basilan, at Philippine Coast Guard.
Nagpapasalamat din si PDEA BARMM Director Gil Castro sa LGU Lamitan City.
Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments