Drug den sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur, giniba ng awtoridad kung saan inaresto ang 5 indibidwal sa buy-bust operation
- Teddy Borja
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur
Huli ang limang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad kung saan giniba rin ang isang drug den sa lugar.
Naaresto ang mga suspek matapos positibong mabilhan ng awtoridad ang isa sa mga ito ng iligal na droga ng isang nagpanggap na poseur buyer.
Narekober mula sa mga suspek ang sampung sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang tumitimbang ng 8.11 gramo at may halagang ₱55,148.00 batay sa standard drug price.
Bukod sa droga, nasamsam din ang marked money, dalawang cellphone, isang digital weighing scale, mga improvised drug paraphernalia, isang handheld radio, pera sa iba’t ibang denominasyon, at mga resealable plastic bags.
Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang buy-bust operation ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Rajah Buayan Municipal Police Station, Provincial Intelligence at Drug Enforcement Unit, 1st Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur PPO, at Regional Intelligence Action Team (RIAT)
コメント