Dumagsa ang mga residente ng Guindulungan sa isinagawang Medical Outreach Program ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Gov Bai Mariam Sangki-Mangudadatu
- Diane Hora
- Feb 11
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunanan ng Agila ng Maguindanao, Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang medical outreach program sa bayan ng Guindulungan araw ng Lunes, February 10.

Dagsa ang mga residente sa bayan sa isinagawang Libreng Medical Check-Up, Libreng Dental Check-Up at Bunot ng Ngipin, Libreng Tsinelas, Libreng Gamot, Libreng Tuli, at Feeding Program.

Patuloy na layunin ng programang ito na magbigay ng tulong at malasakit sa mga mamamayan ng Maguindanao del Sur.

Namahagi rin si Congressman Mohammad "Tong" Paglas ng libreng Gamot at Sampung WHEELCHAIR para sa mga may kapansanan sa bayan.
Ayon sa provincial government ang patuloy na suporta at pakikiisa ng mga volunteers, nars, doktor at mga sundalo sa pagtataguyod ng aktibidad ang nagbigay ng pag-asa at sigla sa mga mamaayan ng probinsya.
Panawagan ng pamahalaang panlalawigan na patuloy na magtulungan para sa mas malusog at maunlad na kinabukasan!
Comments