Dump truck, handog ng tanggapan ni MP Baintan Ampatuan sa LGU Buldon at Barira
- Diane Hora
- Feb 12
- 1 min read
iMINDSPH
Tinanggap na ng lokal na pamahalaan ng Buldon, Maguindanao del Norte ang dump truck mula sa tanggapan ni MP Baintan Ampatuan.

Araw ng Martes, nang pormal itong itinurn over ng mambabatas ang sasakyan sa LGU Buldon sa pangunguna ng alkalde ng bayan Pahmia Manalao-Masurong.
Ito ay sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund ng lawmaker taong 2022 at 2023.
Katuwang ng mambabatas sa proyekto ang Ministry of Public Works.
Benepisyaryo din nito ang LGU ng Barira, Maguindanao del Norte.
Comments