Education Minister Mohagher Iqbal, sinagot ang alegasyon hinggil sa umano’y maanomalyang transaksyon sa MBHTE at umano’y pakikialam ng ilang indibidwal at kanyang kamag-anak sa procurement
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH
Sa isang opisyal na pahayag, mariin na itinanggi ni Minister Iqbal ang sinasabing irregularity sa procurement process kabilang na ang pagbili ng learners’ at teachers’ kits.
Dumadaan aniya sa mahigpit na internal at external controls ang lahat ng kanilang transactions bilang pagsunod sa batas, rules and regulations at sa Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act (as amended by R.A. 12009), at sa Implementing Rules and Regulations, at pertinent issuances mula sa Commission on Audit (COA).
Dagdag sa pahayag na ang MBHTE procurement process ay transparent, accountable, at consistently subjected aniya sa post-audit ng COA.
Misleading din aniya ang sinasabing P1.7 billion transaction na isinagawa sa loob ng isang araw ng walang kaukulang review.
Paiimbestigahan naman ng MBHTE ang diumano ay pagbebenta ng mga learners at teachers’ kits sa mga guro.
Nagsasagawa na umano ng internal fact-finding investigation ang ministry hinggil sa mga alegasyon.
Wala rin aniyang katotohanan na may mga indibidwal o kaanak na nakikisawsaw sa procurement o implementasyon ng programa ng ministry.
Hinikayat rin ng Education Minister ang publiko at ang media na maging mapanuri at humingi ng paglilinaw mula sa concerned offices bago magbigay ng konklusyon base sa unverified reports.
Matatandaan na kumakalat online ang mga alegasyon ng pagpapalabas ng pondo ng ahensiya na hindi umano dumaan sa tamang proseso gayundin ang umano’y pakikialam ng ilang kaanak ng opisyal sa implementasyon ng mga programa.

Comentários