ELECTION GUN BAN, MAGSISIMULA NA NGAYONG JANUARY 12 HANGGANG JUNE 11, 2025; COMELEC, TANGING MAY OTORISASYON SA PAG-ISSUE NG CERTIFICATES SA PAGDADALA O PAGTRANSPORT NG MGA BARIL
- Diane Hora
- Jan 8
- 1 min read
iMINDSPH

Mula ngayong Linggo, January 12 hanggang June 11, 2025 ang itinakda na Election Gun Ban period ng COMELEC para sa halalan ngayong darating na Mayo.
Binigyang diin ng COMELEC na sa buong election period, tanging sila lamang sa pamamagitan ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns C-B-F-S-C, ang may kapangyarihan na mag-issue ng sertipikasyon na mag-ootorisa sa pagdadala o pagtransport ng mga baril, explosives at iba pang deadly weapons.
Sa panahong ito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril at deadly weapons sa labas ng inyong bahay at sa lahat ng pampublikong lugar.
Ipinagbabawal din ang pag engage sa serbisyo ng security personnel at pagtransport ng mga armas, o parte nito, mga bala at components nito, gayundin ng mga explosives at components nito.
Maliban na lamang kung inotorisa ito ng CBFSC.
Ang sinumang lalabag ay may kaparusahan na isa hanggang anim na taong pagkakabilanggo, permanent disqualification at mawawalan ng karapatang bumoto.
Ide-deport naman kung ito ay banyaga pagtapos nitong makumpleto ang prison term.
Comments